Friday, October 05, 2012

Pagpupugay sa mga dakilang GURO :)

Whew, it's been a while since I last posted a blog so dahil sinipag ako at maganda ang mood ko today........
eto na........

Today is International Teacher's Day! And I want to take this opportunity to thank all my past tutors, teachers and professors. I cannot deny the fact that I have learned a lot from you all.

I would also like to thank my MOM, who is a college instructor. 

Alam na alam ng may mga magulang na guro na may down side ito..
In my case MATH, PHYSICS at CHEM lang naman ang tinuturo ng mommy ko. Asan ang pressure? ASAAAAAAN! Hahaha! Of course people expect me to be good at those subject at buti na lang check ako dun sa una.. (dati! ewan ko na lang ngayon.. nalimutan ko na yata)

Andun din yung pressure na dapat masipag kang mag-aral. My mom always nags me about my studying habits before. Gusto nya kahit walang pasok mag-aaral ako, mag-aadvance reading at magso-solve solve ng kung ano-anong problems at equation, sa paghahanap kina X at Y.

Mahirap din maging anak ng isang guro kasi madalas busy sila. Madalas inuubos ng pagiging guro nila ang oras ng pagiging nanay nila. Lalo na pag prelims, midterm at finals! Anjan yung gagawa sila ng exam, quiz, class record at magco-compute ng grades. Pero bongga naman pag bakasyon kasi bakasyon din sila!

Dati naalala ko madalas pa ko mautusan na mag-check ng papers ng mga estudyante nya. At feel na feel ko naman ang paglagay ng malaking X pag mali ang sagot, sabay tawa at lait. (Dati lang naman.hahaha!)

Pero masarap ding maging anak ng isang guro dahil pag may di ka naintindihan na tinuro ng titser mo, sya na lang tatanungin mo. Anjan yung maglalabas yung nanay ko ng sangkatutak na libro na may iba ibang author at may edition 1-50 pa. At minsan sya pa gagawa ng assignment mo. Si mommy ang madalas gumawa ng assignement ko dati sa HS physics kasi it's more of naiintindihan ko yung concept, pero di ko mai-apply. O, edi perfect ako sa assignment at sakin pa kumokopya mga classmates ko dati. Hahaha!

Bilib talaga ko sa mga guro sa sipag, tyaga at pasensya nila. Nung bata ako pinangarap ko ring maging titser. Lagi akong humihingi ng chalk kay mommy at sinusulatan ko yung kahoy na pader namin. Nagsasalita pa ko mag-isa na parang naglelecture sa mga imaginary students ko. Pero nung lumaki tumanda na ko naisip kong hindi ako para dyan dahil naniniwala ako na ang pagiging guro ay isang talent. Hindi porket magaling ka sa subject na yun e pwede ka nang magturo. Pano kung sa sobrang galing mo e ikaw lang nakakaintindi sa pinagsasasabi mo? Bali wala rin. Dahil walang natutunan yung mga estudyante mo.

Kaya mam, sir, mabuhay po kayo :)

TGIF! 

Next post.. Pig-out session at Tagaytay

No comments:

Post a Comment